Gusto nila ako mag-resign? Sabihin n’yo kay Presidente (Rodrigo Duterte)
“Ano ba akala nila, nag-i-enjoy ako sa trabaho ko? Gusto nila ako mag-resign? Sabihin n’yo kay Presidente (Rodrigo Duterte) na paalisin ako.
Ito ang naging tugon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mga unang panayam sa kanya hinggil sa naging panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez, maging ng ilang netizen sa social media, na magbitiw na ito sa tungkulin matapos ang kontrobersyal na pagkakapatay sa Koreanong negosyante na si Ick Joo Jee sa loob mismo ng Kampo Crame, kung saan abot tanaw lang sa tinaguriang “white house”, kung saan nakatira si Dela Rosa.
“But mayroon pa kaming misyon na ginagawa, may misyon pa kaming gagawin. Tapusin muna namin ang war on drugs. Kapag drug free na ang Pilipinas, puwede na akong mag-resign,” dagdag pahayag pa ng PNP chief.
Sa panayam kahapon ng mga mamamahayag kay Dela Rosa sa Camp Crame, sinabi nito na handa siyang puntahan at kakausapin umano niya si Pangulong Duterte para magpaalam dahil hindi umano siya kapit-tuko sa puwesto.
“I am ready, I will ask the president kung pabigat ako sa kanya, then I will ask him,” ayon kay Bato.
Subalit sinabi nitong hindi na umano kailangan pang magbigay pa siya ng formal letter kaugnay sa posibleng pagbibitiw niya sa puwesto.
“Hindi na po kailangan ng formal resignation letter, kausapin ko na lang siya,” dagdag pa ni Dela Rosa.
Matatandaang una na ring sinabi ni Dela Rosa ang salitang hindi siya ‘kapit tuko’ sa puwesto halos wala pa itong isang buwan sa puwesto matapos maitalagang PNP Chief noong Hulyo 2016, sakaling mabigo itong makamit ang target date na masugpo ang problema sa iligal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan katulad din ng sinabi ni Duterte.
Di na ginalang ng tauhan
Nauna nang napaulat na planong kausapin ni Alvarez si Pangulong Duterte kaugnay sa panawagan nitong magbitiw na sa pwesto si Dela Rosa sa basehang hindi na ito ginagalang ng kanyang mga pulis dahil mismong sa poder pa niya sa loob ng Camp Crame ginawa ang pagpatay sa Korean businessman na biktima ng Tokhang for Ransom.
“Kung may pagkakataon ay i-di-discuss ko rin kay Pangulong Duterte, pero ngayon nasa balita na so malamang alam na din ng ating Pangulo,” paliwanag ni Alvarez na nanindigan na kailangan na ang pagbibitiw ni Dela Rosa para maisalba sa international embarrassment ang Pangulo.
“It’s all about performance. Magkaibigan kami, but performance to the Filipino must always be first. Magmalasakit siya kay Presidente, magbitiw na siya. Talagang seryoso tayo sa kampanya ng ating Pangulo against illegal drugs. Ngayon, kung ang namumuno diyan ay hindi na iginagalang ng mga tauhan niya, paano natin ipapatupad iyan ng seryoso?” giit ni Alvarez.
Maraming kuwalipikado!
Muling binanatan ni Alvarez si Dela Rosa na sa panahon umano ngayon ay hindi na kailangan ang pulis na magaling magpatawa, kumanta at mahilig sa publicity bagkus ang kailangan ay pinuno na magbibigay ng kumpas para sa matinong pagganap ng tungkulin.
Tinawanan lang din ni Alvarez ang pangamba ng ilan na maaapektuhan ang performance ng PNP kung magbibitiw si Dela Rosa. Ani Alvarez, maraming kuwalipikado na maging PNP Chief na magagaling din naman at kayang magpatino ng mga tauhan kaya hindi dapat maliitin ang kakayahan ng iba pang opisyal.

Leave a Comment